Nakahanda na ang PNP na magpatupad ng hard lockdown kung sakaling ipagutos ng IATF sa gitna ng banta ng bagong Omicron strain ng Corona virus.
Ayon kay PNP Chief , hindi na bago ito sa PNP, at mayroon na silang template na katulad noong ginawa noong ipinairal ang pinaka striktong Quarantine sa iba’t ibang panig ng bansa.
Pero dahil aniya sa panahon ng eleksyon, magiging mas-challenging sa PNP na ipatupad ang paghihigpit sa kilos ng tao.
Dahil hindi aniya maiwasan ang mobilisasyon ng mga supporter ng mga kandidato, possibleng umapela ang PNP sa Commission on Elections na repasuhin ang mga campaign guidelines para mapigilan ang pagkalat ng virus.
Ayon kay PNP Spokesperson Col. Roderick Augustus Alba, sa ngayon aniya ay nakikipag-coordinate narin ang PNP sa mga iba’t ibang ahensya na nagbabantay ng entry points ng bansa.
Ito’y sa gitna ng ipinatupad na paghihigpit ng pamahalaan sa pagpasok sa bansa ng mga tao mula sa mga bansang may kaso ng Omicron variant.