-- Advertisements --

Nagtalaga ng higit sa 37,740 na kapulisan ang Philippine National Police (PNP) sa bhong bansa para sa unang araw ng pagbabalik-eskwela ng mga estudyante ngayong Lunes.

Ito ay bilang pagbibigay seguridad ng PNP sa mga estudyante ngayong bukas na ang school year 2025-2026.

Ayon kay Police Regional Office III Director at PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo, maliban sa kabuuang bilang ng mga idedeploy na nga pulis, naka-full deployment ngayon ang kanilang hanay kung saan mayroon ng 5,000 police assistant desk ang nauna nang binuksan noong nagsimula ang Brigada Eskwela at 10,000 mga pulis ang nakatakdang italaga sa mga assistant desk na ito na siyang malapit sa mga paaralan.

Tiniyak naman ni Fajardo na nanananatili sa normal ang antas ng alerto ng kanilang hanay ngunit nasa discretion na rin aniya ng ibang mga regional directors kung magtataas sila ng alert level depende sa kasalukuyang sitwasyon ngayong unang araw ng pasukan.

Tiniyak naman ng tagapagsalita na maliban sa pagbibigay ng seguridad at pagtitiyak na maayos at payapa ang unang araw ng balik-eskwela ay handa rin ang kanilang hanay na magpaabot ng serbisyong publiko kung kakailanganin.

Kasunod nito ay makakaaasa din ang nga lokal na pamahalaan na sila ay magiging katuwang ng mga LGU’s at ilan pang force multiplier sa pagtitiyak na magiging payapa ang pagbabalik eskwela ng mga estudyante ngayong unang araw ng pasukan.

Nagsagawa naman ng pagiikot kaninang umaga si PNP Chief PGen. Nicolas Torre III sa ilang mga paaralan sa bahagi ng Quezon City upang masiguro na magiging maayos, payapa at may sapat na seguridad ang mga paaralan ngayong araw.