-- Advertisements --

Nagiwan ng panibagong dorektiba at paalala si Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Nicolas Torre III para sa mga pulis na babagsak ng dalawang beses sa yearly mandatory physical fitness test sa kanilang hanay.

Sa isang pulong balitaan sa Kampo ay inihayag ni Police Regional Office III Director at PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo na prayoridad ngayong ng bagong hepe na maging maayos at maganda ang magiging resulta ng physical tests ng mga pulis upang makita na fit-to-work ang mga ito hindi lamang sa pamamagitan ng mga dokumento.

Aniya, kapag hindi pumasa ng dalawang beses ang mga pulis sa pagsususlit na ito ay hindi na maaaring sumailaim sa re-training ang mga ito at hindi na rin maaaring maging subject for promotion.

Layon kasi ng physical tests na ito na matiyak na magiging fir ang mga pulis na gampanan ang kanilang mga sinumpang mandato hindi lamang sa mga operasyon ngunit maging sa iba pang mga aktibidad ng kapulisan.

Samantala, kinokonsidera na rin aniya ng bagong liderato sa organisasyon ang pangangatawan ng mga pulis na dapat ay sakto lamang sa kanilang edad, tangkad at maging sa kanilang bigat.