-- Advertisements --

Nakatakdang magtalaga ng higit sa 37,000 na mga pulis ang Philippine National Police (PNP) bilang paghahanda ng kanilang hanay para sa pagbubukas ng mga paaralan sa Hunyo 16 ngayong taon.

Ayon kay Police Regional Office 3 Director at PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo, mas papalakasin ng kanilang hanay ang pagapapatroly at maging ang police visibility sa mga lugar at lansangan na malapit sa mga paaralan.

Ito ay para matiyak na ligtas at payapa ang magiging unang araw ng klase ng mga estudyante para sa paguumpisa ng school year 2025-2026.

Maliban sa mga patrols ay magbubuks rin at magtatalaga ng mga police assistance desk ang PNP para naman matiyak na mabilis na mabibigyang pansin ang mga pangangailangan ng mga estudyante, magulang at maging mga school personnel.

Samantala, dito din aniya masusubukan ang bilis ng mga pulis sa pagresponde sa mga emerhensiya ng publiko na siya namang alinsunod sa naging direktiba ni PNP Chief PGen. Nicolas Torre III.