Ipinag-utos ni PNP chief, Gen. Archie Francisco Gamboa ang panibahong balasahan o reorganization sa ilang senior officials na may hawak ng ilang key positions.

Epektibo ngayong araw March 19, 2020 ang direktiba ni Gamboa na reorganization.

Itinalaga ni Gamboa ang dalawang heneral bilang bagong regional police directors.
Ito ay sina Brig. Gen. Manuel Abu bilang bagong regional police director ng Bangsamoro Autonomous Region (BARMM) at si Brig. Gen. Bernabe Balba bilang bagong regional police director ng Police Regional Office-8.

Si Balba ay pinalitan ni Brig. Gen. Rolando Miranda bilang bagong district director ng Manila Police District (MPD).

Itinalaga naman ni PNP chief si Brig. Gen. Alexander Sampaga bilang bagong director ng Headquarters Support Service.

Habang si Brig. Gen. Marni Marcos ay itinalagang acting director for comptrollership samantalang nagpapagaling sa ospital si Lt Gen. Jovic Ramos dahil sa chopper crash.

Si Col. Patrick Villacorte naman ang nag-assume bilang acting deputy regional director for Administration ng Police Regional Office-6.

Si Brig. Gen. Ferdinand Divina naman ang itinalagang acting Director for Intelligence habang si Brig. Gen. Edgar Monsalve ang kaniyang deputy director.

Si Brig. Gen. Jesus Cambay Jr. naman ang director ng PNP Intelligence Group.

May bagong director na rin ang PNP National Operations Center.
Ito ay si Brig. Gen. Danilo Macerin habang si Brig. Gen. Florencio Ortilla naman ang bagong chief, regional staff ng National Capital Region Police Office.

Narito ang iba pang police generals na itinalaga sa kanilang bagong pwesto:

• Brig. Gen. Robert Rodriguez – Deputy Director for Personnel and Records Management
• Brig. Gen. Valeriano De Leon – Deputy Director for Human Resource Doctrine and Development
• Brig. Gen. Joselito D Pajarillaga – Deputy Director for Integrated Police Operations – Northern Luzon
• Brig. Gen. Adolfo Samala Jr – Deputy Director for Plans
• Col. Belli Tamayo – acting Executive Officer, DPRM
• Col. Nickson Muksan – acting Executive Officer, DIPO – Visayas
• Col. Angeles Geñorga, Jr – acting Deputy Director, PNP Training Service