Pinangunahan kanina ni Sen. Manny Pacquiao ang pamamahagi ng mga dose-dosenang kahon ng face masks na ipinamahagi kanina sa Kampo Crame.

Mismong si PNP Chief Gen. Archie Gamboa at Lt Gen. Guillermo Eleazar ang tumanggap sa mga donasyon.

Ang mga nasabing protective equipment ay gagamitin ng mga nasa frontliners gaya ng AFP,PNP,MMDA, DOH ngayong panahon umiiral ang month-long Luzon-wide enhanced community quarantine.

Nasa 200,000 facial mask ang ibinigay ni Pacquiao sa PNP.

Nakatanggap din ng donasyong face mask ang AFP, MMDA at DOH.

Una ng sinabi ng senador na nasa 50,000 testing kits ang dinonate ng kilalang negosyante na si Jack Ma.