Ikinatuwa ng Philippine National Police (PNP) ang patuloy na pagbaba ng bilang ng mga lumalabag sa ordinansa sa ilalim ng “Safer Cities” initiative, na ayon sa kanila ay hindi lang resulta ng mas mahigpit na enforcement kundi ng mas mataas na kooperasyon ng publiko.
Ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., ipinapakita ng trend na unti-unting lumilipat ang kultura mula sa takot sa hulihan tungo sa pagsunod sa batas, dahil sa pagiging patas at consistent ng pagpapatupad ng mga ordinansa.
Ipinatutupad ng programa ang mahigpit na pagbabantay sa mga paglabag tulad ng pag-inom sa pampublikong lugar, curfew violations ng minors, topless loitering, at late-night karaoke. Karamihan sa naitalang violations ay may kinalaman sa public drinking at curfew breaches.
Hinihikayat naman ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local government units na magpasa ng mga ordinansang susuporta sa programa upang mas maging pare-pareho ang implementasyon sa buong bansa.
Ayon sa PNP, mahalaga ang malinaw na legal na batayan upang maiwasan ang kalituhan at mapanatili ang patas na pagpapatupad ng batas habang isinusulong ang mas ligtas na mga komunidad. ( report by Bombo Jai)
















