Magpapatupad ang PNP ng gun ban sa iba’t ibang panig ng bansa bilang bahagi ng security measures sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games (SEA Games).
Ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac, magsisimula ang gun ban sa CALABARZON, National Capital Region, Region 1 (La Union) at Region 3.
Dagdag pa nito na mayroong 27,440 na kapulisan ang ipapakalat para sa SEA Games.
Tiniyak ng PNP na kanilang sasampahan ng kaso ang mga maarestong suspek na lalabag sa mga itinadhan ng batas.
Ang gun ban sa mga nabanggit na lugar ay ipapatupad simula sa November 20, Miyerkules hanggang December 14.
Ang closing program kasi ng SEA Games ay sa December 11.
Habang ang opening ceremony naman ay sa November 30 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.
Nitong nakalipas na araw ay todo na rin ang mga aktibidad ng PNP bilang bahagi ng iba’t ibang uri ng kanilang mga paghahanda kasama na ang pag-send off sa mga pulis na itatalaga sa mga venues at mga delegasyon.