-- Advertisements --

LA UNON – Mas papalakasin pa ng PNP La Union ang mga hakbang nito upang maiwasan ang mga krimen lalo na sa lokalidad.

Sa panayam ng Bombo Radyo La Union kay La Union Police Provincial Office spokesperson PLtCol Silverio Ordinado, inaasahan nito na hindi na madaragdagan pa ang bilang ng krimen dito sa lokalidad dahil sa enhance community quarantine.

Ayon pa kay Ordinado may mga karagdagan pang augmentation o pwersa mula sa iba’t-ibang unit ng kapulisan.

Siniguro naman ng LUPPO na hindi nagkukulang ang bilang ng mga frontliners na magbabantay sa mga checkpoint.

Samantala, patuloy naman ang monitoring ng mga ito sa kanilang mga kabaro kaugnay ng kalusugan nila habang naka-duty upang maisigurado na walang mahawaan sa mga ito ng Covid 19 sa pamamagitan ng pagbigay sa kanila ng PPE’s.