Itinanggi ng Philippine National Police (PNP) ang report ng isang online report na may isang Cebu-based journalist ang inaresto ng mga pulis ng mga tauhan ng Special Action Force (SAF).
Sa statement na inilabas ng PNP, tinawag nila itong ‘fake news.’
Ayon sa PNP walang mamamahayag ang inaresto at ikinulong.
Batay kasi sa ulat ng isang online website na ikinulong ng mga pulis ang mamamahayag na si Sheriza Uy ng Banat News noong Huwebes dahil sa umano’y paglabag sa umiiral na quarantine protocols.
Sa pahayag ng PNP Public Information Office, mismong si Uy ang nagtanggi na siya ay inaresto ng SAF.
Sa Facebook post ng journalist na si Uy sinabi nito na totoo aniyang pinigilan siya ng mga tauhan ng PNP Special Action Force pero hindi siya ikinulong.
Humingi ito ng paumanhin sa pambansang pulisya sa idinulot na stress ng aniya ay maling ulat ng nabanggit na online website.