-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY -Idenepensa ng Baguio City Police Office kung bakit maaring sa military stockade pa rin ang bagsak ng tatlong dating mga kadete ng Philippine Military Academy (PMA) kahit ipag-utos na ng korte na ibalik na sila sa Baguio City.

Ito ay matapos nakatakdang uusad na ang kasong paglabag ng anti-hazing law at murder laban kina former PMA cadets Felix Lumbag Jr; Shalimar Imperial Jr at na kinaharap nila dahil isinangkot pagpatay kang late 4th Class Darwin Dormitorio na taga- Northern Mindanao.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni City Police Director Col Allen Rae Co na hindi special treatment para sa mga kadete ang paglagay sa kanila sa loob ng AFP stockade dahil isinailalim rin naman sila ng military court martial proceedings.

Inihayag ni Co na maaring tatapusin muna ng AFP ang pag-court martial sa tatlo bago ito tuluyang iku-kustodiya sa civilian regular jail.

Dagdag ng opisyal na kung gugustuhin rin ng korte na kunin ang kustodiya at ilagal sa regular jail ay mangyari naman ito anumang oras.

Sina Tadena,Imperial at Lumbag ay itinuring na pangunahing mga akusado ng Dormitorio killing batay sa findings ng city prosecutors office ng Baguio.

Kinasuhan naman ang tatlong military officers na dating namamahala ng PMA Station Hospital dahil mali ang inilabas nila na health findings kung bakit namatay s Dormitorio noong 18 ng Setyembre 2019.