-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Mananatiling masigasig ang liderato ng Philipppine National Police na tutuparin pa rin ang kanilang tungkulin bilang tagapagbigay seguridad sa bansa.

Ito ay sa kabila ng hayagan pagka-diskobre ng mga paglabag ng police operation protocols ng ilan sa kanilang mga personahe kaugnay sa kontrobersyal na drug related death cases na kasulukuyang nilabasan ng review result ng Department of Justice.

Sa panayam kay PNP Chief General Guillermo Eleazar na batid nila ang nasabing pagkakamali kaya hindi na sila nagugulat na ito ang tukma na inilabas ng DoJ mula sa unang findings ng Internal Affairs Service investigation.

Inihayag ng heneral na naparito sa Northern Mindanao para sa kanyang apat na araw na pagbisita na gagamitin nila ang nabanggit na mga pagkukulang para mas mapaigting pa ang pagpapatupad ng tinawag na ‘punitive,reformative and preventive approaches upang masupil ang paglaganap pa ng kriminalidad sa bansa.

Bagamat aminado si Eleazar na sadyang may ilang pagkukulang ang kanilang hanay subalit umaasa ito na hindi naman sana kalimutan kung gaano kalaki rin ang mga sakripisyon ng buong organisasyon mapanatili lamang ang katiwasayan ng bansa laban sa anumang uri ng mga banta pang-seguridad.

Magugunitang maging sa Northern Mindanao ay nagtala rin ng drug related death cases simula nang ipinapatupad ang war on drugs policy ni Pangulong Rodrigo Duterte.