-- Advertisements --
chopper crash pnp chief

Nakalabas na sa hospital ang isa sa dalawang police generals na kabilang sa mga pasahero ng bumagsak na Bell 429 chopper sa San Pedro, Laguna noong March 5, 2020.

Ayon kay PNP Deputy Chief for Administration, Lt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan, nasa bahay na ngayon si Maj. Gen. Mariel Magaway matapos ma-discharge sa ospital.

Si Magaway ang isa sa dalawang police general na lubhang nasugatan nang bumagsak ang kanilang sinasakyang helicopter.

Mahigit din sa dalawang buwan nanatili sa hospital si Magaway.

Sinabi ni Cascolan, pasado alas-9:00 ng umaga kahapon na-discharge sa Asian Hospital ang heneral.

“Mga 2 weeks lang siguro ang therapy niya. Okay na siya lahat. Nagsalita na siya lahat lahat okay siya,” pahayag ni Cascolan.

Positibo si Cascolan na makabalik sa duty si Magaway, pero isasailalim pa sa evaluation ang heneral.

Samantala nananatili pa rin sa pagamutan si Maj. Gen Jose Maria Ramos, dating hepe ng PNP Comptrollership na kabilang din sa nasugatan sa nasabing trahedya.

Inihayag ni Cascolan, nasa coma state pa rin si Ramos.

“Gen. Ramos, he’s still in coma state, still GCS3 as identified by the doctors ast Asian Hospital. Hindi pa rin siya nagigising,” wika ni Cascolan.

Bahagyang nasugatan sa insidente sina PNP chief Gen. Archie Francisco Gamboa, PNP spokesman B/Gen. Bernard Banac, dalawang piloto at aide ng PNP chief.