Nasa halos 7,000 na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 mula sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Ayon sa ahensya, aabot na sa 6,998 ang kanilang mga confirmed coronavirus cases matapos madagdagan ng 43 bagong kaso.

Mula sa nasabing bilang, 6,384 na ang gumaling dahil sa 70 na bagong recoveries. Ang total deaths naman ay nasa 22.

Sa buong Pilipinas, 367,819 na ang COVID-19 cases. Ang 313,112 sa kanila ay gumaling na, pero aabot naman sa 6,934 ang binawian ng buhay.