cpnp

Umapela si PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar sa publiko na maging mapag-pasensya sa inaasahang pagta-trapik sa mga quarantine control points (QCP).

Ito’y kasunod ng pagtatatag ng PNP ng mga QCP sa mga border ng NCR-plus bubble epektibo kahapon, alinsunod sa utos ni DILG Secretary Eduardo Año.

Bahagi ito ng paghahanda para sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) na ipatutupad simula Agosto 6.

Ayon kay Eleazar, bilang dating hepe ng JTF Covid Shield nang unang mag ECQ ang Metro Manila noong Marso ng nakaraang taon, nagpatupad ang PNP ng mga pamamaraan para mabawasan ang trapik sa mga QCP na gagawin din ngayon.

Kabilang dito ang mabilis na pagpapadaan ng mga sasakyan sa QCP, kasabay ng pagsasagawa ng mga random checks sa mga mobile checkpoints.

Una naring binilinan ni Eleazar ang mga pulis na wag aabalahin ang mga trak na nagdadala ng produkto sa mga QCP.

Nakiusap naman si Eleazar sa publiko na kung Wala din namang mahalagang lakad, manatili nalang sa bahay upang makatulong sa pagpigil ng pagkalat ng Covid 19.