-- Advertisements --

Sinegundahan ni PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar ang hamon ni DILG Sec. Eduardo Año sa NPA na isuko ang kanilang mga kasamahan na responsable sa pambobomba at pamamaril sa Masbate na ikinamatay ni FEU varsity Player Keith Absalon at kanyang kamag-anak na si Nolven Absalon.

Ayon sa PNP Chief, kung sinsero ang NPA sa pag-amin na nagkamali ang kanilang mga tauhan dapat ay isuko nila ang mga ito para managot sa batas.

Giit ni Eleazar, hindi lang Public apology ang hinihingi ng pamilya ng mga biktima kundi hustisya.

Mangyayari lang aniya ito kapag nakakulong na ang mga may-sala para sa kanilang nagawang krimen.

Hamon pa ng PNP Chief, kung talagang pinagsisihan ng NPA ang pagkakapatay sa mga inosenteng sibilyan ay ipakita nila ito sa pamamagitan ng pagtigil sa kanilang ginagawang mga atrosidad.