-- Advertisements --
ILOILO CITY – Bumisita sa Iloilo City si Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Debold Sinas.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay
Police Lieutenant Colonel Joem Malong, spokesperson ng Police Regional Office 6, sinabi nito na dumating si Sinas kung saan nakipagpulong ito sa mga pulis sa Western Visayas.
Kasamang dumating ni Sinas sa PRO6 ang iba pang mga matataas na opisyal ng PNP.
Ayon kay Malong, magtatagal ng dalawang araw si Sinas sa Iloilo City kung at bukas ng hapon, lilipad na siya pabalik ng PNP national headquarters sa Camp Crame sa Quezon City, Metro Manila.