Tiniyak ni PNP chief police Director General Ronald dela Rosa sa Korean community na wala ng krimen kahalintulad sa kaso ng negosyanteng si Jee Ick Joo ang mangyayari sa ilalim ng Duterte administration.

Naniniwala kasi si Dela Rosa na sisibakin na siya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pwesto sakaling may mapatay muli na Koreano sa kamay ng mga pulis gaya ng nangyari kay Joo.

Ayon kay Dela Rosa, hindi na niya kailangan pang mag resign pag nangyari muli ito dahil sigurado aniya siya na mismong ang pangulo na ang magtatanggal sa kanya sa pwesto.

Pabiro pang sinabi ni Dela Rosa na handa rin siyang magbaril sa ulo pag may nangyari ulit na katulad na kaso ni Jee Ick Joo.

Kagabi sa pagpupulong sa pagitan ni PNP chief at Korean community sa Clark, Pampanga siniguro nito na ang kaso ni Jee Ick Joo ay hindi na masusundan pa.

-- Advertisement --