Pinayuhan ni PNP chief police Director General Ronald dela Rosa ang 98 mga miyembro ng PNPA Masidlak Class 2017 na huwag mamili ng assignment bilang mga bagong pulis.

Sinabi ito ni Dela Rosa sa isinagawang Badge of Honor Ceremony sa Kampo Crame kanina.

Bilin ni Dela Rosa sa mga bagong pulis na isuot with pride ang kanilang mga bagong tsapa.

Sinabihan din ang mga ito na huwag lumapit sa mga pulitiko para makuha ang gusto nilang assignment.

Hindi umano matitiyak na baka nasa assignment ang swerte tulad niya na gustong gusto na ma-assign sa SAF noon pero naitalaga sa Davao at doon pala nakadestino siyang maging hepe ng PNP.

Samantala, sinabihan din ni Bato ang mga pulis na magsanay sa kanilang mga bagong baril o mag-dry fire lagi ang mga ito para makatiyak na kapag dumating ang pangangailangan sila ang buhay at ang kriminal ang patay.