PNP chief paiimbestigahan ang SAF troopers na nagbabantay sa AFP Custodial center – LATEST

Nabigla si PNP chief Gen. Ronald Dela Rosa sa pagkumpirma ni Gen. Ano na totoong may kontrabandong pumasok sa loob ng AFP Custodial Center.

Dahil sa report, sorpresang binista ni Dela Roa ang Custodial Center kung saan kaniyang kinausap ang opisyal ng SAF na siyang nagbabantay sa mga high profile inmates.

Paiimbestigahan ni Dela Rosa ang mga miyembro ng PNP SAF na nagbabantay sa mga high profile inmates sa Kampo Aguinaldo.

Ayon kay Dela Rosa, layon ng imbestigasyon na malaman kung batid ng mga SAF members ang pagpasok ng kontrabando sa AFP Custodial Center.

“Granting that it is true, we will investigate and we will determine up to what extent yung kanilang influence over dun sa control ng pagpasok kung meron mang naipasok na mga contraband dun sa loob ng facility. Basta yung main mission nila is to secure the perimeter,” wika ni Dela Rosa.