Pinangunahan ni PNP Chief Gen. Dionardo Carlos ang pailaw sa Christmas tree at mga lanterns sa loob ng kampo Crame, bilang hudyat sa pagsisimula na ng holiday season.
Kasama ni PNP Chief ang kaniyang command group sa pamumuno ni Lt Gen. Joselito Vera Cruz, Deputy Chief for Administration (TDCA) at Lt. Gen. Ephraim Dickson, Deputy Chief for Operation.
Naging tradisyon na sa PNP ang taunang pailaw ng Christmas tree at mga lanters.
Ayon kay PNP Chief Gen. Dionardo Carlos, sa kabila ng pandemya mahalaga na gunitain pa rin ang diwa ng pasko kahit hindi na ito kagaya ng dati.
Sa talumpati ni PNP Chief kaniyang sinabi na 24 na araw na lamang ay pasko, ito din ang panahon para makapag connect sa isat isa at sa mga mahal sa buhay, at magpasalamat sa mga biyaya na ibinigay ng diyos sa taong kasalukuyan at sa susunod na taon.
“With the world shifting to the new normal and as we find an array of advanced methods being integrated into the celebration of this festive year, let us remember that whatever challenges life has bring to our lives, it doesn’t prevent us from making this Christmas a merry and meaningful one by bringing new hope, positivity and solutions to worries and uncertainties”, mensahe ni PNP Chief Carlos.
Binigyang-diin ni PNP Chief ngayong unti-unti ng bumabalik sa new normal, anumang mga kinakaharap na hamon sa buhay ng bawat isa hindi ito magiging hadlang para making “merry” ang pasko at panatilihin ang bayanihan spirit.
Ang lighting ng Christmas tree at lanterns sa loob ng Camp Crame ay pag-alala sa kanilang mga pamilya, pangalawa ang mga kasamahang pulis na nagbigay ng “ultimate sacrifice” lalo na ang mga pumanaw dahil sa Covid-19 infection.
Mensahe nito sa mga kapulisan, habang ipinagdiriwang ang kapaskuhan dapat din isaalang-alang ang kalusugan ng bawat isa sa pamamagitan ng pagsunod sa ipinatutupad na health and safe protocols.
Kinilala din ni PNP chief ang pagpupursige ng kaniyang mga tauhan na sa gitna ng Pandemya ay tumutugon sa tungkulin.
“Amidst the global effect of COVID-19 pandemic, let us not also forget that this Christmas season is reminding us that life is an ongoing progression and there will always opportunity for new possibilities, new beginnings and new hope which inspire us to embrace even more fully the joy of spending time with our loved ones” dagdag pa ni Carlos.
Samantala, highlight naman sa nasabing aktibidad ang presensiya ng kanilang special guest na si Christian Laurente Memoria, ang batang mayruong acute lymphocytic leukemia, isang uri ng cancer sa dugo at bone marrow na nagkakaroon ng epekto sa blood cells.
Sa nasabing okasyon, ang 11 year old Grade 5 student ay binigyan ng special privilege para magsuot ng PNP uniform, ginawaran ng ranggong Lieutenant.
Ito ay bahagi ng programang “Cop for a Day” ng Police Community Affairs Development Group (PCADG) sa pakikipag-ugnayan sa Directorate for Police Community Relations (DPCR) at suporta ng mga NGO partners, stakeholders at iba pang organized groups.