-- Advertisements --

Nilinaw ngayon ng International Criminal Court (ICC) na walang epekto sa imbestigasyon sa kasong crimes against humanity laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakatanggal kay ICC prosecutor Karim Khan.

Sinabi ni ICC Spokesperson Fadi el Abdallah na kaya tinanggal si Khan sa kaso ay dahil sa sangkot ito sa pagsumite ng communications sa ilalim ng Article 15 ng Rome Statute kay dating Prosecutor Mme Fatou Bensouda.

Ang nasabing kaso aniya ay pinangungunahan na ni Deputy Prosecutor Mame Mandiaye Niang.

Si Niang ang titingin sa mga pag-imbestiga at prosecution ng Office of the Prosecutor na may kinalaman kay Duterte kabilang ang pag-apply ng warrant of arrest.

Magugunitang noong Mayo ay pansamantalang bumaba sa puwesto si Khan dahil sa isinasagawang imbestigasyon ng United Nations dahil sa umanoy sexual misconducts nito.

Naghain din ng petisyon ang depensa sa pamamagitan ni Atty. Nicholas Kaufman na pinapadisqualify nila si Khan dahil umano sa naging abogado ito ng mga biktima ng war on drugs ni Duterte.