-- Advertisements --

Nag-adjourn na ang sesyon ng Senado ngayong Biyernes, Oktubre 10 upang bigyang daan ang Undas break. 

Present sa plenaryo ng Senado sina Senate President Vicente Sotto III, Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito, at Senator Robinhood Padilla. 

Binasa lamang ni  Ejercito ang hiling ng Kamara na humihingi ng consent sa Senado para payagan silang magconvene ng sesyon sa October 13.

Inaprubahan naman ng Senado ang 3-day na palugit na hiling ng mababang kapulungan at ang pagcoconvene sa susunod na Lunes.

Samantala, bago tuluyang magsara ang sesyon, inanunsyo ni Senate President Sotto na pansamantalang pamumunuan ni Senador Erwin Tulfo ang Senate Blue Ribbon Committee bilang Acting Chairman.

Magbabalik naman ang sesyon sa November 10, araw ng Lunes.