-- Advertisements --

Nakiusap si PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar sa mga “Anti-Vaxxer” o yung mga tumututol sa pagbabakuna na huwag nang ituloy ang kanilang planong mass protest o kilos protesta.

Ang pahayag ni Eleazar ay matapos na manawagan sa PNP ang ilang netizens na gawan ng aksyon ang kumakalat sa Social media na imbitasyon para sa naturang aktibidad ngayong buwan.

Dito’y hinihikayat ang mga mamayan na makilahok sa protesta kontra sa vaccination program ng pamahalaan.

Sinabi ni Eleazar na ginagalang ng PNP ang katapatan ng mga mamayan na ihayag ang kanilang saloobin, at tutulan ang pagbabakuna.

Pero kung ang kanilang aksiyon ay magiging panganib sa Pampublikong kalusugan, ibang usapan na aniya ito.

Sinabi ni Eleazar na titignan nila kung ang gagawing mass action ay may paglabag sa batas na kailangan aksyunan ng PNP, pero sana aniya ay hindi na umabot sa puntong ganoon.