Nagbabala si PNP Chief P/Gen. Archie Francisco Gamboa sa kaniyang mga tauhan na may kalalagyan ang mga tiwali sa ilalim ng kaniyang liderato.
Sa kaniyang Thanksgiving speech matapos pormal na maupo bilang ika-23 PNP Chief kahapon.
Binigyang-diin ni Gamboa ang pag-iral ng “NO TAKE POLICY” para sa mga pulis.
Partikular ang pagtanggap ng anumang tulong sa mga drug lord.
Tiniyak ni Gamboa na kakastiguhin, sisibakin sa serbisyo at kakasuhan pa ang sinumang pulis na mapatutunayan niyang sangkot sa pangingikil at pagtanggap ng suhol mula sa sugal gayundin sa Iligal na droga.
Hinikayat din ni Gamboa ang mga pulis na igalang ang kanilang mga Senior Officers at ugaliin ang tamang pagbibihis ng uniporme.
Dagdag pa ni Gamboa, nais din niyang pabilisin ng 15 araw mula sa isang buwan ang pagdinig sa mga kinahaharap na kasong administratibo ng mga pulis.
Giit ni Gamboa na hindi rin nila tatantanan ang mga drug lord at mga personalidad na sangkot sa iligal na droga bilang pagtupad sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kanina, binigyan ng Arrival Honors si Gamboa matapos itong pormal na manumpa kay Pangulong Duterte kahapon.