Tiniyak ni Philippine National Police Chief PBGEN Benjamin Acorda Jr Na mabibigyang gantimapala ang mga pulis na mahusay sa kanilang trabaho, habang mapaparusahan naman ang mga pulis na dawit sa anumang uri ng katiwalian.
Ito ang binigyang-diin ng heneral kasunod ng magandang resulta ng “Tugon ng masa” survey ng octa research kung saan nakamit ng pambansang pulisya ang 80% trust at satifaction rating sa unang bahagi ng taong 2023.
Ayon kay Acorda, ang resultang ito ay nagpapatotoo lamang na marami pa rin sa ating mga kababayan ang naniniwalang tinatahal ng pnp ang tamang direksyon ng gobyerno sa pamumuno ni pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Kaugnay nito ay binati niya ang lahat ng mga opisyal at tauhan ng pambansang pulisya kasabay ng pagpapasalamat sa mamamayan dahil sa positibong naging pananaw nito sa pagsusumikap ng pulisya na panatilihin ang kapayapaan at seguridad sa bansa sa kabila ng mga suliraning kinakaharap ngayon ng buong hanay ng kapulisan.
Dahil dito ay muli ring iginiit ni acorda na sa pamamagitan ng institutionalized disciplinary mechanism ng pnp ay tiyak na mas mabilis na mapaparangalan ang mga pulis na mayroong good performance, habang papatawan ng naman ng mga kaukulang kaparusahan ang mga pulis na gumagawa ng kamalian at paglabag sa mga displinang dapat na taglay ng isang tauhan ng PNP.
Dagdag pa rito ay sinabi rin ni acorda na patuloy na magsusumikap ang pnp na suklian ang tiwalang ibinigay ng taumbayan sa pamamagitan ng paghahatid ng makatotohanang serbisyo sa publiko at matapat na pagganap sa kanilang tungkulin nang handang itaya ang sarili nitong buhay para maprotektahan ang mamamayan.