Bumuo na ng Special Investigation Task Group (SITG) ang Philippine National Police (PNP) na sisiyasat sa kaso ng pinatay na Ozamis Executive Judge Edmundo Pintac.

Ayon kay PNP Spokesperson, C/Supt. Benigno Durana na binuo ang SITG matapos ang direktiba na natatanggap nila mula kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Layon umano nito na makuha ang lahat ng anggulo at maresolba sa lalong madaling panahon ang pamamaslang kay Pintac na may hawak na sensitibong kaso sa drug cases.

Kabilang sa mga high profile cases na hawak nito ay ang kaso ni dating Ozamiz City Vice Mayor Nova Princess Parojinog at Reynaldo Parojinog Jr.

Sa ngayon, blangko pa rin ang mga otoridad sa motibo ng pamamaslang at nangangalap pa sila ng physical evidence at mga karagdagang impormasyon mula sa mga testigo sa krimen.

Inaalam na rin ng PNP kung nakatanggap ba ng death threats si Pintac bago ito tinambangan.

Muli namang nagpaabot ng pakikiramay ang PNP sa pamilya na naiwan ni Pintac.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here