-- Advertisements --

vera cruz5 1
PNP,TDCA Lt.Gen. Joselito Vera Cruz

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang tulong at suporta sa gagawing tatlong araw na national vaccination drive ng gobyerno sa darating na November 29,30 at December 1,2021.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo kay PNP Deputy Chief for Administration (TDCA) at ASCOTF Commander PLt.Gen. Joselito Vera Cruz, na nakahanda ang PNP sakaling hilingin ang kanilang tulong lalo na ang kanilang mga Medical Reserved Force para maging vaccinator.

” Meron din kami Medical Reserve Force sa mga regions Anne. Ready naman sila in case i-request sila ng regional offices ng DOH to augment their teams durin the scheduled national vaccination drive,” mensahe ni Vera Cruz sa Bombo Radyo.

Nilinaw din ni Vera Cruz na bukod sa mga medical reserved force, magpapakalat din ang PNP ng kanilang mga personnel bantayan at tutukan ang seguridad sa mga vaccination centers.

Layon ng national vaccination day ay para makapagbakuna ng 5 million Filipinos para mapataas pa ang population protection ng bansa.

Samantala, sumampa na sa 207,030 o 91.75% sa PNP ang fully vaccinated as of November 14,2021.

Sa datos ng PNP Health Service, nasa 15,462 o 6.85% ang nakatanggap na ng first dose at naghihintay na lamang ng kanilang second dose.

Nasa 1.39% o 3,143 personnel ang tumangging magpa bakuna o may vaccine hesitancy.

Una ng sinabi ni Lt. Gen. Vera Cruz na patuloy nilang kinakausap at hinihimok ang mga personnel na magpabakuna para magkaroon ng proteksiyon laban sa nakamamatay na Covid-19 virus.


Sa ngayon, halos 100% percent sa PNP ang bakunado at protektado na laban sa severe Covid-19 infection.

“Yes Anne. Of course we are happy that almost 100% na of our personnel are vaccinated because that means we are protected from severe Covid19 infection,” mensahe ni Lt.Gen. Vera Cruz sa Bombo Radyo.