LA UNION – Natatangi at mainit ang pagsalubong ng lokal na pamahalaan sa Alilem, Ilocos Sur, kay 2/Lt. Dionne Mea Umalla, na nag-Top 1 sa Philippine Military Academy (PMA) Mabalasik Class 2019.

Sa ginanap na recognition program, kinilala at pinarangalan si Umalla na pinangunahan ni Municipal Mayor Marwel Sumabat.

Malugod naman na tinanggap ni Umalla ang certificate of recognition at commendation na ipinagkaloob sa kanya.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo La Union kay Sumabat, tinawag nitong “historic at unprecented ang achievement ni Dionne Umalla.”

Si Umalla ay umuwi sa kanilang bayan sa Alilem para magbakasyon bago sumabak sa anim na buwan na schooling at pagkatapos nito ay ibibigay na ng pamunuan ng Philippine Navy ang kanyang magiging tungkulin.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here