-- Advertisements --
Itinakbo sa pagamutan si British Prime Minister Boris Johnson para sa muling pagsusuri sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.
Nakitaan kasi muli ng mga sintomas ng coronavirus disease si Johnson matapos ang 10 araw noon ito ay unang nasuri na positibo sa virus.
Pinayo naman ng kaniyang mga doctor na bilang pag-iingat ay minabuti nilang madala agad ito sa pagamutan.
Nauna rito, boluntaryong nagpa-self quarantine ito ng makitaan ng sintomas ng virus dalawang linggo na ang nakakaraan.