-- Advertisements --
Bureau of Immigration

Pinaalalahanan ngayon ng Bureau of Immigration (BI) ang mga Pinoy na nagpaplanong bumiyahe sa ibayong dagay bilang mga turista na hindi pa rin sila puwedeng bumiyahe dahil sa nagpapatuloy na global Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, inilabas nila ang naturang statement matapos makatanggap ng report  na anim na Pinoy ang hinarang dahil sa tangka nilang pagbiyahe sa Cambodia sa pamamagitan ng special chartered flight mula Ninoy Aquino International Airport (NAIA). 

Ang naturang mga pasahero ay ibinaba dahil ang plano nilang pumunta sa ibang bansa ay para mamasyal at hindi naman ito essential.

Hindi rin umano ito sakop ng direktibang exempted ang pagiging tourist sa travel ban lalo na’t nasa ilalim pa rin ng community quarantine ang bansa.

“We want to emphasize and reiterate that Filipinos are still prohibited from leaving the country unless they are Overseas Filipino Workers (OFWs), holders of study visas or permanent residents in the country of their destination,” ani Morente.

Pero ayon kay Morente, papayagan naman nilang bumiyahe ang mga overseas Filipino workers (OFWs), ang mga Pinoy na may study visas o permanent residents sa kanilang pupuntahang bansa.