-- Advertisements --

NAGA CITY- Nagpaabot ngayon ng pagbati ang isang Pinoy nurse sa lahat ng ina sa buong mundo kasabay ng pagdiriwang ng Mother’s Day.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Loriza Bersabal, isa sa mga Pinoy frontliners na nagtatrabaho sa Ireland, sinabi nitong dati ng mahirap ang buhay niya kung saan kailangang pagsabayin ang pag-aalaga sa mga anak at pasyente.

Aniya mas lalo pa itong naging mabigat mula ng magkaroon ng coronavirus disease (COVID-19) kung saan kinakailangan aniyang dumistansya muna sa pamilya para maiwasang mahawa sila ng sakit.

Sa kabila nito, ang tamang komunikasyon aniya at pagpaparamdam sa mga bata na nandyan parin ang kanilang ina ang isa sa mga kinakailangan sa kanitong klase ng trabaho.

Kaugnay nito, nagpaabot din ng pagbati si Bersabal sa lahat ng mga frontliners sa buong mundo lalo na ang mga may kaparehong sitwasyon sa kanya.