Inaabangang maraming UFC fans ang unang pagsabak sa laban ni Filipino-American fighter Mark Striegl.

Makakaharap nito si Timur Valiev ng Russia sa laban na gaganapin sa Las Vegas, Nevada sa darating na Agosto 22.

Ang laban ay siyang magiging preliminaries sa laban ng mga bantamweight fighters na sina Frankie Edgar at Pedro Munhoz.
Lumaban sa URCC at PXC si Striegl bago sumabak sa ONE Championship.

Noong 2019 ay naging representative si Striegl ng bansa sa sport na Sambo kung saan nagwagi ito ng gold medal.