-- Advertisements --

Muling lalaban sa One Championship ang dalawang Filipino MMA fighter na sina Jean Claude Saclag ng Team Lakay at Marwin Quirante ng AJJ Sprawl.

Makakaharap ni Saclag si Turkmenistani MMA fighter Shazada Ataev sa ilalim ng flyweight division habang si lalabanan naman ni Quirante bagitong Russian fighter na si Torepchi Dongak sa ilalim ng strawweight division.

Ang laban ng dalawa ay kapwa bubuuin ng 3 rounds.

Maalalang unang nakatakda ang laban ng dalawang Pinoy noong March 28 ngunit tuluyan itong kinansela dahil sa malakas na pagyanig na nangyari sa Myanmar at Thailand na kumitil ng daan-daang katao.

Sina Saclag at Quirante ang dalawa sa mga bagitong MMA fighter ng bansa na inaasahang makakakuha ng karagdagang One Championship exposure dahil sa impresibong performance sa mga nakalipas na laban.

Sa huling laban ng dalawa, kapwa naipakita nila ang unique martial arts style at nagawang dominahin ang kani-kanilang laban kontra sa mga bigating MMA fighter sa ibang bansa.

Gaganapin sa Mayo-23 ang laban ng dalawang Pinoy fighter sa Lumpinee Stadium sa Bangkok, Thailand.