Nabigo si Filipino mixed martial arts (MMA) fighter Mark “Tyson” Fairtex Abelardo sa kamay ni Fabrico Andrade ng Brazil.

Sa loob lamang ng dalawang minuto sa ikalawang round ay hindi nakaporma si Abelardo sa submission ni Andrade sa kanilang paghaharap sa ONE: No Surrender sa Bangkok, Thailand.

Ginamit ni Andrade ang kaniyang tangkad at laki para dumistansiya pagkatapos ng ang suntok at sipa.

Sinubukan pa ng Pinoy-Kiwi fighter na matapatan si Andrade subalit binalutan na siya sa kaniyang leeg at rear-naked choke sa pagsapit ng ikalawang round.

Mayroong ng 19 panalo at walong talo si Abelardo kung saan tatlo ang talo sa apat na magkasunod na laban nito habang si Andrade ay mayroong tatlong panalo at dalawang talo.