DANNY KINGAD
Danny Kingad

Hindi maitago ni Danny “The King ” Kingad ang kasabikan na makita muli si Demetrious “Mighty Mouse” Johnson.

May kaniya-kaniya kasing laban ang dalawa sa ONE: Century Part 1 sa Oktubre 13 na gaganapin sa Ryōgoku Kokugikan in Tokyo, Japan.

Makakharap ni Kingad si Senzo Ikeda habang si Johnson ay makakasagupa si Yuya Wakamatsu.

Sinabi ng Filipino Mixed Martial Arts fighter na isa si Johnson sa mga iniidolo niya sa MMA.