-- Advertisements --

VIGAN CITY – Maaari umanong manatili sa Rizal Memorial Sports Complex ang mga atletang Pinoy na manggagaling sa iba’t ibang bansa kung sakali mang ayaw nilang umuwi sa kani-kanilang bahay dahil sa banta ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ito ang kinumpirma ni Philippine Sports Commission commissioner Celia Kiram sa Bombo Radyo Vigan.

Ayon kay Kiram, wala ung dapat na ipag-alala ang mga Pinoy athletes na mananatili sa nasabing sporting facility dahil ibibigay naman ang lahat ng kanilang kailangan kagaya ng pagkain, gamot at hygiene kits upang masiguro ang kanilang kaligtasan.

Samantala, kinumpirma rin nito na ang mga atletang sasabak lamang sa mga qualifying tournaments ng 2020 Tokyo Olympics ang nananatili sa mga PSC sporting facilities.

Ang iba aniya ay pansamantala munang umuwi sa kani-kanilang mga lugar.

Ngayong araw isasailalim sa sanitation ang mga nai-lockdown na sporting venues.