-- Advertisements --

Bigo ang Pinay tennis star na si Alex Eala sa semifinals bid sa ASB Classic matapos talunin ni Wang Xinyu ng China.

Sa kanilang laban, nakabawi si Eala mula sa mabagal na simula at nakuha ang unang set ngunit nanaig si Wang sa huling dalawang set.

Natapos ang laban sa score na 7-5, 5-7, 4-6 pabor kay Wang.

Dahil dito, si Wang ang umusad sa finals kung saan makakaharap niya si Elina Svitolina ng Ukraine o si Iva Jovic ng USA.

Para kay Eala, ito ang unang torneo ngayong 2026 matapos ang matagumpay na 2025 season kung saan nakapasok siya sa WTA Top 100 at nagwagi ng unang WTA 125 title.

Bagamat hindi nakapasok sa finals, ipinakita ni Eala ang kanyang husay at determinasyon laban sa mas mataas na ranggong kalaban sa WTA.