-- Advertisements --
Ibinunyag ng Pinay celebrity socialite na si Divine Lee na nadapuan siya ng coronavirus subalit gumaling na rin.
Sa kaniyang Instagram post, ikinuwento niya na asymptomatic ito at sumailalim ito ng 14-day quarantine.
Mula aniya noong Marso ay hindi ito lumabas at hinala niyang nakuha ito sa mga nahahawakan niya gaya ng pera at mga groceries.
Nagpasalamat ito dahil malakas ang kaniyang immune system sa pamamagitan ng pag-inom ng mga vitamins.
Agad itong nag-isolate para hindi niya mahawaan ang mga anak.
Ibinahagi niya lamang ang pinagdaanan para maging aral na rin sa ibang tao na hindi biro ang pagtama ng coronavirus sa katawan ng isang tao.