-- Advertisements --

Umukit sa kasaysayan si Pinay grandmaster Janelle Mae Frayna matapos na magwagi sa 31st Abu Dhabi International Chess Festival-Ladies Blitz na ginanap sa United Arab Emirates.

Nangibabaw si Frayna sa kabuuang 120 na manlalaro mula sa 24 bansa.

Kasama niya ang coach niya na si Grandmaster Jayson Gonzales.

Nanatili siyang walang talo na mayroong 8 points mula sa pitong panalo at dalawang draws.

Nakamit niya ang kaniyang titulong GrandMaster noong 2016 sa 42nd World Chess Olympiad na ginanap sa Baku, Azerbaijan.

Isinilang mula sa Legazpi, Albay noong 1996 at siya ay nagtapos sa Far Eastern University.

Naging three-time Philippine women’s champion siiya at miyembro din ng Philippine team.