Irish Magno 1
Irish Magno / FB post

Nabigo ang Filipina boxer Irish Magno na makakuha ng slot sa 2020 Tokyo Olympics.

Nakuha kasi ni Mary Kom ng India ang unanimous decision na panalo sa quarterfinals ng women’s flyweight division ng Asia and Oceana Olympic Qualifying Tournament na ginanap sa Amman, Jordan.

Dahil sa panalo ay makakapaglaro na ng dalawang beses sa Olympics si Kom.

Magugunitang hindi nagtagumpay si Nesthy Petecio sa kamay ni Sena Irire ng Japan.