LA UNION – Hawak na ng mga otoridad ang tatlong pinaniniwalaang miyembro ng isang drug group, na umano’y nag-ooperate sa Region One.

Sa isinagawang Anti-Illegal Drug Operation (Buy Bust) ng pinagsanib na puwersa ng CSF PS, LU, PIB, RDEU at PDEA RO1 sa Brgy. Parian, City of San Fernando, La Union, tagumpay nilang hinuli ang mga suspek na sina: Rizza Joy Galvez y Rosario, 30 yrs old, may asawa, jobless at residente ng Brgy. Carlatan dito sa syudad; Jeffrey Suyat y Bacani, 37, binata, empleyado umano ng Coca Cola at residente ng Brgy Urbiztondo, San Juan; at Jonie Caluma y Yim, 33, may asawa, grab driver at residente ng Antipolo, Rizal.

Kinumpiska din ng mga otoridad sa naturang joint buy bust operation ang (3)heat sealed transparent plastic sachets ng umano’y shabu na tinatayang may timbang na 15 grams at DDB value na Php 102,000.00

Kabilang din sa mga narekobre ang 1 piraso ng genuine P1,000.00 bill at 14 pcs fake na Php 1,000.00 (buy bust money), drug paraphernalia at 1 unit ng Toyota Innova.

Ang mga suspek ay kasalukuyang nakaditine sa San Fernando Police Station.