Opisyal nang tinapos ng Philippine Embassy sa Washington DC ang kauna-unanang online voting para sa mga overseas Filipinos sa US at Caribbean.
Sa unang pagkakataon ay nagawa ng mga Pilipniong nasa US at Carribean na makaboto sa pamamagitan ng internet at piliin ang mga napupusuang senador at partylist organizations.
Ayon kay Ambassador Jose Manuel Romualdez, ang matagumpay na pagboto ng mga Pinoy ay isang mahalagang hakbang para maabot ang mga Pilipino sa naturang rehiyon at mailapit sa kanila ang demokratikong proseso ng halalan.
Ang online voting aniya ay magandang tugon para sa mga hamong kinakaharap ng mga mamamayang Pilipino na pinipiling magtrabaho sa ibang bansa para lamang mai-angat ang kalidad ng kanilang pamumuhay.
Sa pamamagitan nito ay nagiging mas madali ang kanilang pagpili nang hindi naaapektuhan o naaantala ang kanilang trabaho.
Hanggang 2,016 Pinoy sa hurisidction ng naturang embahada ang piniling bumuto online.
Ito ay anim na porsyento lamang ng kabuuang 31,000 registered overseas voters sa naturang lugar.