-- Advertisements --
Pumanaw na ang itinuturing na pinakamatandang tao sa Pilipinas.
Si Francisco Susano ay 124-anyos ang edad ng Kabankalan City, Negros Occidental ay pumanaw nitong Nobyembre 21.
Kinumpirma ang pagpanaw ni Susano sa pamamagitan ng post sa social ng mga kaanak nito.
Hindi naman binanggit pa ang sanhi ng kaniyang kamatayan.
Isinilang siya noong Setyembre 11, 1897 na siya rin ang itinuturing na pinakamatandang tao sa buong mundo.