-- Advertisements --
Screenshot 2020 08 08 12 57 00

LEGAZPI CITY – Nangangamba ang Albay Provincial Health Office (PHO) na wala ng mapaglalagyan ang mga COVID-19 patients kung patuloy pa ang paglobo ng kaso ng sakit sa Bicol Region.

Ito ay matapos makapagtala ang Department of Healht (DoH)-Bicol ng sunod-sunod na matataas na bilang ng mga tinamaan ng sakit sa rehiyon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Albay PHO Head Antonio Ludovice, posibleng umabot na sa critical level ang kapasidad ng Bicol Regional Training and Teaching Hospital (BRTTH) na itinalaan na lamang para sa mga symptomatic na pasyente.

Ikinabahala rin nito ang mga pasyenteng tinamaan ng virus na hindi alam kung papano at saan nakuha ang sakit.

Dahil dito, inabisuhan ni Loduvice ang publiko na iwasan ang pagtitipon-tipon at pag-imbita ng mga tao mula sa iba’t ibang lugar lalo na kung may selebrasyon dahil posible umano itong pagmulan ng local transmission ng sakit.