-- Advertisements --
Tiniyak ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na ito ay gaganti laban sa Houthi rebels ng Yemen.
Kasunod ito sa missile attack ng Houthi rebels na tumama sa bahagi ng paliparan ng Israel.
Giit nito na noon pa man ay kanila ng tinalo ang mga rebelde at malamang ito ay mangyayari muli.
Una ng inamin ng Houthis na pinapatakbo ng Iran na sila ang nasa likod ng missile attack na tumama sa Ben Gurion airport sa Tel Aviv.
Dahil sa pangyayari ay naantala ang flights at bahagyan nawalan ng suplay ng kuryente sa lugar.
Base sa ulat na bigong maharang ng Israeli at US defence system ang missile na nagresulta sa pagtama sa bahagi ng paliparan.