-- Advertisements --

Sinabak sa serbisyo ang hindi bababa sa 1,000 mga pulis dahil sa mga paglabag at misconduct mula pa nakaraang taon ng 2024 ayon sa Philippine National Police (PNP).

Batay sa naging datos ng PNP, mula Abril ng nakarang taon hanggang Abril 23 ng kasalukuyang taon, nasa kabuuang bilang na 1,288 na mga pulis ang tinanggal na sa serbisyo, habang 172 naman ang mga na-demote at 1,456 naman ang mga pinatawan ng suspensyon at mga disciplinary actions.

Ang mga datos na ito ay alinsunod na rin sa naging diektiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi dapat kinukunsinti ang mga ganitong klase ng gawain lalo na ang mga pulis na mapangabuso sa kanilang mga posisyon.

Samantala, kasunod nito ay binigyang diin din ni PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil na ang mga hakbang na ito ay patunay lamang na pinapanatili at prayoridad ng kanilang hanay ang pagkakaroon ng disiplina at pagtataguyod ng tiwala ng publiko na hindi nila aabusuhin ang mga maing gawain.