-- Advertisements --
Naitala na ng TNT Tropang 5G ang kanilang kauna-unahang panalo sa PBA Philippine Cup.
Ito ay matapos na malusutan ang San Miguel Beermen 89-84 sa laro na ginanap sa Ynares Center.
Bumida sa panalo ng TNT si Calvin Oftana na nagtala ng 23 points at 21 rebounds.
Nagdagdag naman ng 15 points si Rey Nambatac habang mayroong 14 points at anim na rebounds si Roger Pogoy.
Itinuturing ni TNT coach Chot Reyes ang panalo na mahalaga dahil ito ang una sa magkakasunod na talo.
Hindi umubra ang nagawang 21 points at 14 rebounds ni June Mar Fajardo para sa Beermen.