-- Advertisements --
ILOILO CITY – Binawian ng buhay ang pitong taong gulang na batang babae sa Brgy. Patlad, Dumangas, Iloilo dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ang nasabing pasyente ayon kay Mayor Ronaldo “Onal” Golez ay pinakabatang COVID-19 casualty sa Iloilo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Golez, sinabi nito na ang pasyente ay ang kauna-unahang COVID-19 casualty sa kanilang bayan matapos makaranas ng lagnat ang pasyente.
Bago binawi-an ng buhay, dumalo pa sang isang birthday party ang biktima at dahil dito, puspusan ang isinasagawang contact tracing upang malaman kun sino ang mga nakasalamuha ng bata.
Sa ngayon, nakatakdang sumailalim sa confirmatory test ang mga natukoy na close contacts.