-- Advertisements --

Dumaan sa Taiwan Strait nitong Martes ang Fujian, ang pinakabago at pinaka-advanced na aircraft carrier ng China, ayon sa Taiwan defense ministry.

Ito ang unang beses na tumawid ang barko sa sensitive waterway ng dagat mula nang pormal itong nagamit ng China noong nakaraang buwan.

Sinabi ng Taiwan na mahigpit nilang minomonitor ang pagdaan ng carrier. Hindi na nagbigay ng detalye ang China ukol sa insidente, habang patuloy ang magkabilang panig sa magkaibang posisyon kung ang Taiwan Strait ay teritoryo ng China o isang international waterway.

Magugunitang ang Fujian ay ang ikatlong aircraft carrier ng China at mas malaki kaysa sa mga nauna, dahil gumagamit ito ng electromagnetic catapults na kayang magpalipad ng mas marami at mas mabibigat na combat aircraft.